-->

Infinity Ads

Wednesday, December 16, 2009

121609

Pagkatapos ng orientation, kumain kami ni Geth sa Crepes and Creme, tumingin-tingin at namili ng mga kung ano-ano.

Paglabas ko ng Robinsons'.


Sumalubong sa'kin ang gabing masikip, maingay, at matao.


Sumabay ako sa pagtawid kasama ng ilang tao sa pedestrian lane, papunta sa sidewalk na dadalhin kami sa dulo ng Pedro Gil--sa sakayan.


Ang dami kong nakita! Nakakatuwa. May mga pambalot ng regalo, naka-fold lahat sila--karamihan red, green, at may maliliit na pictures ni Santa Claus na chibi-style.


May payong na parang nakalagay sa parang bakal na waterjug at ang cucute ng mga colors! May light pink, light green, at madalas ang design nila ay yung Hello Kitty. Meron din nagbebenta ng Dibidi, yung mga tag-10 in 1, meron na rin palang New Moon at Paranormal Activity. Tinanong ko si manong kung kinuha lang yun sa sinehan--eh sabi niya DVD copy daw. So naniwala naman ako.


Naglakad pa ako. Oops. Natalisod ako, sira pala yung semento. Hehe.


May nagbebenta ng kwek kwek, mani, fried chicken skin, balut, at madami pang iba. Habang naglalakad ako naaamoy ko yung parang piniprito na amoy. Hay ang bango.


Naglakad pa ako.


Nakakita ako ng mga nagbebenta ng "Korean Earrings". Tinignan ko sila, nagtaka ako kung bakit Korean Earrings tawag, eh wala naman masyado pinagkaiba sa Philippine earrings. Hahaha. Pero maganda naman sila, gusto ko nga bumili nung parang hindi dangling pero hindi parang pinapakaw. Parang ring talaga, yung ganun. Pero nevermind.


Sa mas malayo pa na part, nakita ko naman may nagbebenta ng parang accessories ng mga gangstah. Yung parang silver na necklace pati yung mga silver ring na sobrang laki. Naalala ko tuloy yung pinanood namin na Cinemalaya movie, yung "Tribu". Thugz Angels! Ahaha. Sa kabilang side, nakita ko naman yung mga sabit para sa cellphone, keychains, at saka mga cute na pillow at saka stuff toys--may mga Spongebob, Barney, Dora the Explorer.


Sa tabi nun may nagbebenta ng mga tsinelas--yung "Havana" hindi yung "Havaianas". Haha. Tapos may mug, na parang nakashape na parang animals. Mga action figure ni Naruto, mga bag at purse na cute.


Natuwa ako sa mga nakita ko.


Tapos nung nandun na ako sa dulo, there it was! Nakalagay siya sa maliit ng brown bag, glistening in the yellow light--fried chicken skin. Its aroma enticed me! So napabili ako.


Bitbit ko siya habang pasakay sa bus. Nomnomnom.


Binasa ko sa bus yung Candymag na binili ko sa Booksale kanina.


Ayun. Tapos masaya na ako.


Wala lang. Sobrang labo. Pero gusto ko lang iblog.


Yung mga ganung maliliit na bagay, na sobrang ordinary, yung fact na naeexperience ko sila, na buhay ako, na mapalad ako na nagagawa ko 'tong mga simpleng bagay na 'to, hindi ba malaking blessing na yun?


Meron mga tao sa mundo na nasa kanila na lahat ng yaman pero hindi naman sila makaalis sa mga hospital rooms nila. Meron mga taong nasa kanila lahat ng ganda, lahat ng kakayahan, lahat ng talino, kasikatan, pero sa gabi kapag sila na lang mag-isa--umiiyak sila dahil hindi nila alam kung ano yung nawawala sa buhay nila. Masaya ako kasi nahanap ko yun.


At si God yun.


Thank You for thinking of someone like me to exist. Thank You for giving me this gift of experiencing life. =)


_____________________________________________


Happy Birthday ma! Buti na lang kasya yung slacks. HAHA. Love you =)


-Geline.=]

No comments:

Post a Comment