-->

Infinity Ads

Monday, June 28, 2010

Thoughts About Being Inlababo

Nainlove ka na ba? Ano ba yung pakiramdam ng naiinlove? Masaya ba, masakit, steady, wala lang? Tsaka kelan mo masasabi na in love ka talaga?
Lagi ko sinasabi sa sarili ko na bata pa ako para ma-inlove. Pero hanggang kelan yung point na sasabihin kong "bata" pa ako? May specific age ba, mga 21, ganun?
Sanay ako mag-isa. Kilala ako sa pagigng NBSB (No Boyfriend Since Birth). And the truth is, I liked that reputation. Yung ako lang, di ko kailangan ng lalake, I get along well with people, and most of them (at the very least) think I'm likeable. And I can tell na pinakainaadmire nila sakin ay yung quality ko na hindi ako nag-bboyfriend.
Siguro mataas ang standards ko, o mas sanay lang ako mag-isa. Siguro takot ako mawala yung reputation ko na single for life (pero likeable naman.. nakakapagtaka! -->yung ganung effect ba? Yung parang rare, special). At mas inuuna ko talaga ang priorities ko (God, family, studies).
And I'm guessing it would take one heck of a guy to break most of these barriers to let me finally declare that "I'm in love". Kung sino man yung makakagawa nun, congrats..? =))
-Geline.=]

No comments:

Post a Comment