-->

Infinity Ads

Thursday, February 4, 2010

Hay Buhay

Ngayon ko lang ulit na-realize na napaka-iksi pala talaga ng buhay. Kanina, may nabundol sa tapat ng subdivision namin. Nung pagkauwi ko, naririnig ko pa yung tunog ng mga ambulance. Hindi mo talaga alam kung kelan ka mamamatay. Sabi ng tita ko, parang Shakey's delivery guy daw siya. Imagine mo yun, typical day na magdedeliver siya tapos yun na pala ang last day niya. Maswerte yung iba na namamatay sa katandaan, pero paano kapag ganito nangyari sayo? Yun lang talaga naiisip ko.

Inaayos ko na ulit ang buhay ko. Bumili ako ng planner kanina! Yehey. Hahaha. Naalala ko kasi, nung GC (grade conscious) days ko, isa sa mga meron ako nun is yung planner na matino. So cinoveran ko pa siya ng cute na cover kasi ang baduy nung cover nung binili ko. So here is my planner and I (HAHAHA):

Ok so hindi naman ako masyadong proud? Haha. Masaya lang talaga ako kasi may planner na ulit ako. Sana umayos na ang time management ko.

Sobrang naguguilty ako sa mga ginawa ko this week. Meron akong mga things na ginawa ko na hindi ko dapat ginawa. At masasabi kong fi-nace ko yung consequences. At dahil dun, parang feeling ko hindi ako worthy maki-mingle sa mga taong feeling kong "mas better" sakin. Parang dahil sa sobrang guilty ko, gusto ko lang manahimik sa isang sulok at i-fulfill lahat ng responsibilities na binigay sakin.

Ewan. Minsan may mga days na gusto ko na lang manahimik at gawin yung mga dapat kong gawin. Yung mga importante. Minsan gusto ko talaga maging loner, pumunta dito sa terrace (kuno) namin at tignan yung stars at mag-isip ng malalim. Minsan kasi masyadong maraming drama sa mundo at ang gusto kong gawin is takasan yung mga yun. Drama including my struggles, drama including conflict with people, drama including my grades in Anatomy!

Masyadong maraming drama. Well exception tong araw na to kasi kasama ko si mama buong araw at bumili kami ng kung anu-ano. Sana ganito na lang palagi, yung masaya. Yung uuwi ako ng bahay na magaan yung feeling.

Kanina pala, pinaguusapan namin ni mama yung mga exciting na things na mangyayari sa buhay mo.

Example. Newlywed ka. Yung meron kayong brand new house ng asawa mo, tapos pupunta kayo sa mall para mamili ng appliances, furniture, at iba pang gamit sa bahay. Ayikeee! Sobrang exciting nga naman. Lalu na pag yung asawa mo mabait, responsable, hindi lakwatsero, maalagain. Hahaha. Isa pang exciting yung magkaka-baby na kayo, tapos bibili kayo ng gamit para dun sa baby! Awwww! Grabe.

Alam niyo guys, kung ka-age niyo ko, sana ganito kapalaran natin, tulad ng pagkadescribe ko. I think one of the biggest decisions we have to make is the person we are going to marry. I've heard countless stories of unhappy marriages, and it scares me na mapunta sa ganung sitwasyon. Ayoko mapunta sa lalaking madaming bisyo, sa tamad, sa cheater, sa walang pakialam. Please lang. Haha. An unhappy marriage can turn your life around and make you wonder "what could've been" when some parts of your life already passed you by.

So. Ayun lang masasabi ko about dun. Sana talaga maging masaya ako in the future. I'm willing to work hard, and to make myself better in the future. Tataasan ko na grades ko. Pag nagka-kotse na kami, mag-aaral talaga ako magdrive. I'm going to take a step in my ministry.

I'm so excited with the new things that are about to happen in my life. =)

-Geline






No comments:

Post a Comment